blog announcement
March 10th, 2008 by sherwinbdsThe Former
January 31st, 2008 by sherwinbdsit was just yesterday
when I turned my back
and leave…
but as I retrace my steps,
it seemed decades ago;
for the roads we’ve used to walk
and the places we’ve used to frequent
are all lost:
without ruins
nor memories.
I wonder what caused all these:
is it the storm
that DROWNED the night
…or the sun
that DRIED the day?
more of author’s works at www.emanilapoetry.com
Ang Bagyo’y Naisisilid pala sa Bote
August 9th, 2007 by sherwinbds
ano bang meron
sa mga botelyang plastic
na matiyaga mong inaasam
hinahanap,
diyan sa esterong maputik
sa gitna ng nagngangalit na bagyo,
naghuhumiyaw na hangin,
at kutya ng mga nandidiring mata?
ang mga iyan ba’y iyong hahabiin
upang gawing palamuti
sa hapis mong katawan
kasama ng disenyo nitong
grasa at lupa?
o iya’y lilikhain mong
isang magarbong arko
na magsasalba sa’yo
sa dumarating na unos
na ikaw lamang ang siyang nakaaalam?
sabihin mo sa akin,
ilang kilong mga botelya pa ba
ang ‘yong kailangang tipunin
upang sumapat na kapalit
ng ilang butil na kanin
at tira-tirang ulam
na kagyat mong pampawi
sa nalulusaw mong sikmura
at dumidilim mong pag-asa?
hindi ka na ba naaawa
sa iyong sarili
o nakararamdam ng pagod man lamang,
upang ang bagyong ito’y iyong suungin
mapulot lamang ang isang botelyang
naghihintay sa’yo
sa gitna ng kalsada;
o marahil ay lumuluha kang talaga:
ngunit ang mga luha mong
dapat sana’y lilinis sa mapait mong kalooban
ay inanod na rin
ng patak ng ulan,
kasama
ang hibla
ng nalalabi mong hininga?
…at pagdating ng bukas
kung saan tapos na ang iyong unos,
ay iaalay ko ang tulang ito
tungkol sa iyong naging buhay
na natapos
nang malaman mong
ang bagyo’y
naisisilid pala sa bote.
more of author’s works at www.emanilapoetry.com
The Concept of Falling
May 20th, 2007 by sherwinbdsI’ve seen this road before
…a road of polished bricks
and dreamy songs.
a walk so lovely you’ll never feel
your feet
touching the grounds
…as if walking on a cottony cloud:
so wonderful,
yet too ephemeral.
a path so grandiose you’ll think
they are not made
to be earthly
…as if they’re meant for Zion and Narnia:
so majestic,
yet too tall.
but I should never let myself
be captured by its beauty
for although I can look and
free to start my trek:
I dare NOT.
because it is too splendid
…and I am just a MORTAL.
more of author’s works at www.emanilapoetry.com